Archive for December, 2008

Dec 07 2008

May Bago Ako

Published by mace011076 under Uncategorized

Pssstt… may bago ako…

Hindi sya tao, di rin hayop. Pero sa palagay ko mahal ko na sya…

Sa una pa lang naming pagkikita, nahulog na agad ang loob ko sa kanya. Nasa kanya na lahat ang mga katangiang hinahanap ko sa matagal nang panahon…Kailangan ko sya. As in. At pagkakataong ito na natagpuan ko na sya ayoko na syang pakawalan pa.

Sawa na rin kasi ako sa kakaantay. May mga mangilan-ngilang dumaan na iba pero siguro di pa napapanahon kung kaya’t walang nangyari. Ngunit ngayon, kailangan ko na syang maangkin. Sya na nga! Sya ang kailangan ko!

Ngunit sa ibang banda, sa aming pagsasama’y napag-isip ako. Oo nga’t mahal ko sya pero di mapagkakailang mahal din sya… Kaya ko kaya ito? Pakiramdam ko’y nakatali na talaga ako sa mga responsibilidad ko sa kanya…

Pero ok na rin siguro ‘to. Doble kayod at konting sipag at tiyaga pa’t di rin magtatagal aking-akin na talaga ang matagal ko nang pinapangarap…

Sya ang bagong inspirasyon ko ngayon… Kilala mo ba sya?

2 responses so far