Jul 18 2009
Tula ni Maria
Saan patutungo ang buhay kong ito?
Hay nakakaloka ang mga sinasapit ko!
Kelangan ko ng tulong, ito ang aking tanong…
Saan ako pupunta kung ang daan ay nawawala?
Meron ka bang compass o mapa kaya?
Naku patay tayo diyan, sa direksiyon ako talaga’y mahina
East and west, north and south, I don’t know what it’s all about
“Help!,” ang aking sigaw, ako talaga’y naliligaw…
Bakit ba naman kasi ako di marunong magsisi?
Tumatakbo ng matulin, naku saan na ba ire?
Sino bang tinatakbuhan ko ni hindi ko alam kung sino
Hay Diyos ko po! Naloloka na talaga ako!
Pero ang totoo niyan, alam ko naman talaga ang daan
Siguro nga ako lang ay nagbubulag-bulagan
Tanggalin ang muta sa aking mga mata
Ay ang saya pala kung ika’y nakakakita!
Sana nga one day, isang araw mahanap ko na
Tunay na daan na maganda at mapayapa
Ngunit kung hindi pa makita ako’y magtitis muna
Pero sana wag lang abutin na ako’y tumanda na… BOW!