Dec 06 2008
May Bago Ako
Pssstt!!! May bago ako…
Hindi sya tao, di rin hayop. Wala syang kasarian pero sa palagay ko mahal ko na sya…
Sa una pa lang naming pagkikita nahulog na ang loob ko sa kanya. Matagal-tagal na rin kasing wala akong nakakasamang tulad nya. Kailangan ko sya. As in. Pagod na rin kasi ako sa kakahanap. May napalampas na ko dati at pinagsisisihan ko na di ko sya naangkin. Kaya sa pagkakataong ito, di ko na sya pinalampas…
Hay…
Kaya lang sa pagdating nya medyo napag-isip ako. Kaya ko kayang isustain ito? Mahal ko sya pero mahal din sya in fairness ha? Di bale, doble kayod na lang muna at konting sipag at tiyaga pa, at pagkaraan ng dalawang taon akin na akin na talaga sya…
Sya ngayon ang inspirasyon ko. Alam mo ba kung ano sya?
Si pacman!!!